"Tao, you don't need to act that you care for me. Alam ko namang naaawa ka lang saken kaya please, wag kang plastik." diretso kong sabi sa kanya. Bigla syang tumigil sa paglakad at hinarap nya ako.
"Alam mo, ang sakit mong magsalita. Bakit?! Bawal na bang mag-alala sa kaibigan ngayon?!"
Napatawa ako.
"Alam mo rin Tao, ang sakit rin nung mga binitiwan mong salita kanina saken. Bakit? Bawal na bang magmahal ngayon?" sabi ko, kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.